Manila

Pinoy Overseas - Overseas Filipino Worldwide (OFW)
Kilalanin ang illegal recruiter!


 
  

Kilalanin ang illegal recruiter!

Ang illegal recruiter ay:

  • Agad naniningil ng placement fee o anumang kaukulang bayad nang walang resibo
     
  • Nangangako ng madaliang pag-alis patungo sa ibang bansa
     
  • Nagre-require agad ng medical examination o training kahit wala pang malinaw na employer o kontrata
     
  • Nakikipag-transaksiyon sa mga aplikante sa mga pampublikong lugar tulad ng restaurant, mall, atbpa. at hindi sa opisina ng lisensyadong ahensiya
     
  • Bahay-bahay kung mag-recruit ng mga aplikante
     
  • Hndi nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa ina-aplayang trabaho
     
  • Nagsasabi na may kausap na direct employer at ang mga aplikante ay di na kailangang dumaan sa POEA
     
  • Nangangako ng mabilis na pag-alis ng aplikante gamit ang tourist o visit visa
     
  • Walang maipakitang employment contract o working visa
     
  • Nagpapakilala na empleyado ng isang lisensyadong recruitment agency ngunit walang maipakitang ID
     
  • Nagpapakilala na konektado sa isang travel agency o training center
     
  • Nanghihikayat sa mga aplikante na mangalap ng iba pang aplikante upang mapabilis ang pagpapaalis
     
  • Walang maibigay na sapat at tamang impormasyon tungkol sa sarili tulad ng buong pangalan o address
     
  • Nangangako na ang mga dokumento ay ipapasok sa POEA para mai-process (lalo na sa kaso ng EPS-Korea)
     
  • Hihikayatin ka dahil nakapag-paalis na ng isa o higit pa gamit ay tourist visa
 
 



Click for Manila, Philippines Forecast

 


Copyright © 2008. Pinoyoverseas.net All rights reserved
For your comments/suggestions please contact